MOST WANTED: The Filipino Bonnie and Clyde
15 parts Complete MatureIsang maikling kwento ng pag-iibigan. Pagiibigan na natapos sa isang marahas na katapusan. Hindi naman talaga magkakilala si Cris at si Rian. Pero ng magkita sila sa isang bar, doon nagsimula ang kanilang love story na kakaiba sa lahat ng love story.
Habang nasa bar, sa biglaan at mabilis na pangyayari, ay nagkasundo si Cris at Rian na i-enjoy ang gabi at ang kanilang mga buhay. Lumabas sila ng bar, pumasok sa isang resort at doon nalasap nila ang sarap bagong natagpuang pag-ibig. Lumabas sila sa resort, at saka sinimulan ang hindi nila malilimutang journey ng kanilang buhay.
Si Lachica, isang pulis na naghihintay na lang nang kanyang maagang pagreretiro. Ginulantang sya ng isang report na mayroon sunod sunod na patayan na nangyayari sa kanilang lugar. Asar na inimbestigahan nya ang pangyayari. Inisa isa nya ang crime scene, hanggang sa lumitaw sa kanyang imbestigasyon ang pagkatao ng mga suspek. Magpaplano ang kapulisan kung paano mahihinto ang karahasan sa kanilang lugar, at sa huli, mako-corner nila ang mga suspek.
Isang umaatikabong aksyon ang mga sumunod na nangyari. Ang mga kriminal laban kay Lachica at sa mga pwersa ng mga operatiba.
Sa huli, pagkatapos mawala ang usok sa lansangan, bago magbukang liwayway, may mga bangkay na nakahandusay.
Pero nasaan sina Cris at Rian?