Family Series #3: Tricia Vicencio Bata palang si Tricia Vicencio ay passion niya na ang camera at musika. Suportado naman siya ng mga magulang niya pero habang tumatagal ay iba na ang nararamdaman niya. Habang tumatagal ay parang hindi na katulad ng dati. Marami siyang naririnig na hindi maganda sa kaniyang pandinig. People called her Black sheep dahil wala raw siyang magiging future. Siya raw ang malas sa pamilya kahit ang gusto niya lang naman ay maging proud sa kaniya ang lahat, lalo na ang pamilya niya. Pero kahit ano namang sabihin niya ay walang nakikinig sa kaniya kaya mas pinili niya nalang sarilihin ang nararamdam. She hopes that one day, someone will come into her life and listen to her.All Rights Reserved