Magic?? Isang bagay na di ko pinaniniwalaan. Magical World?? Isang dimension space o lugar na punong puno ng magic. Well, sa mga libro lang nag-eexist yun. Pero isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang nangyari sa buhay ko. Isang libro ang nakapagpabago ng buhay ko. Aksidente ko lang nabuksan ang librong iyon. Marami akong nalaman sa totoo kong pagkatao at ang kinikilala kong sarili ko noon ay imahe lang pala ng di ko tunay na pagkatao.