Sa kabila ng lahat, tila may mga bagay na dinadala tayo ng tadhana sa maling oras-o baka naman, masyado lang tayong maaga dumating sa tamang lugar.
Ang mga mata mo, sa unang pagkakataon kong nasilayan, parang abot-kamay ang lahat ng hinahanap ko. Pero masyado pa yatang maaga. Bawat tingin, bawat salita, tila ba may musika na hindi pa pwedeng tugtugin. Masyadong maaga para tayo'y magtagpo.
Masyado pang maaga para payagan ng pagkakataon ang ating mga puso. Bawat galaw, parang alon na sinusubukan natin sakyan, pero tinatangay tayo palayo ng hangin. Para bang may kung anong puwersang pumipigil, nagsasabing hindi pa ngayon ang tamang panahon.
At kaya nandito tayo-sa gitna ng isang kuwento na hindi pa dapat sinimulan. Masyado pang maaga para mahalin ka, ngunit paano ko pipigilan ang sarili ko kung ang bawat hakbang ko ay papalapit sa'yo?
Ito ang simula ng isang istorya na baka hindi pa handa ang mundo. O baka naman, ito ang simula ng paghihintay-hanggang sa muling magtugma ang ating mga landas, sa tamang oras.