Puting Liryo
Siko-tatakutan Universe #1
~•~•~
Ang isang prestihiyosong paaralan ay nabahiran ng dugo matapos ang mga napapabalitang pagpatay sa ilang mga guro, personnel, at mga estudyante nito. Sa bawat pangyayaring krimen, karaniwang makikita ang bulaklak na puting liryo na nakasuksok sa bibig ng mga biktima.
Magmula nang mangyari ang mga insidenteng iyon, tila ba ay nawala sa sarili at naging balisa ang Grade 11 top student at Senator on Records ng student council na si Yves Ezekiel Jacinto. Pinagpahinga muna ito pansamantala upang hindi lumala ang kaniyang kondisyon. Ngunit isang araw, napabalitang nawawala ang binatilyo, nadiskubre din sa mailbox ng bahay ng pamilya Jacinto ang bracelet na laging suot nito, kapansin-pansin din ang puting liryo sa tabi ng alahas.
Gagawin ng mga mahal sa buhay ni Yves ang lahat upang mahanap siya at kung sino man ang may kinalaman sa kaniyang pagkawala. Sa kanilang paghahanap, unti-unti rin nilang mauungkat ang mga lihim na pilit ibinaon, dahan-dahan nilang matutuklasan ang mga itinatagong multo ng nakaraan.
~•~•~
Genre: Psychological Horror, Mystery, Social Themes, LGBTQIA+, Fantasy, Romance
Language: Filipino and English
ALL RIGHTS RESERVED 2026
All Rights Reserved