Isang batang babae na nasa edad 8 years old ang bigla na lamang nagkagusto sa isang lalaki, na halos 10 years ang laki ng tanda sa kaniya. Nagsimula ang pakiramdam niyang ito nang iligtas siya ng lalaki mula sa isang aksidente. Hindi naman ganoon kalala ang natamo na pinsala ng batang babae mula sa nangyaring aksindente, pero palagi siyang dinadalaw ng lalaking naglitas sa kaniya sa mismong bahay nila at dinadalahan pa siya ng mga masasarap na pagkain at kung ano-ano pa, bagay na sobrang nagpapasaya sa kaniya at mas nagpapatindi sa nararamdaman niyang paghanga para dito. Ngunit sa loob ng mag iisang taon na kanilang pagkakakilala at pagiging malapit sa isa't isa, ay kinailangan ng lalaki na pumunta ng ibang bansa, para doon na ituloy ang pag-aaral. Bagay na labis namang ikinalungkot ng batang babae. Kaya sa oras nang pag-alis ng lalaki ay nagawa ng batang babae na ipagtapat na ang kaniyang totoong nararamdaman para dito. Sa una ay natawa lang ang lalaki, dahil nga sobrang bata pa nito para makaramdam ng ganoon. Pero biglang umiyak ang batang babae na nagsasabi na talagang seryoso ito sa naging pag-amin na iyon. Kaya doon nabuo ang isang kasunduan, na kung mahal pa rin ng batang babae ang lalaki sa panahon na muli silang magtagpo ay papakasalan siya nito. Sa muli kaya nilang pagkikita, maari na kaya nilang mahalin ang isa't isa? Ano-ano kaya ang mga mangyayari sa kanila once na magtagpo ulit ang kanilang mga landas....All Rights Reserved