"No! Hindi pangit, it's more like hindi lang pasok sa standard ng mga taong panay physical appearance lang ang gusto. But for me, I find you beautiful, wala namang ginawa ang Diyos na pangit, nasa mata lang yan ng tumitingin. And for me you are beautiful inside and out." Aleia grew up hating her beauty. Pakiramdam kasi niya dahil dito ay hindi niya mahanap ang true love niya. Bilang mula sa angkan ng isa sa mga noble families sa Greece ay masasabi sigurong nasa kanya na ang lahat, magandang mukha, isang magaling Surgeon, matalino at mahal ng marami dahil sa kabaitan niya sa mga staff ng ospital na pag-aari nila at ganun din ng mga pasyente niya. Pero talaga nga atang walang sapat sa taong walang kakuntentuhan, dahil para sa kanya ay isang malaking sumpa ang ganda niya, maraming nagnais pakasalan siya pero lahat ng mga ito ay gusto lang naman siya dahil sa itsura at pamilya niya at hindi dahil sa kung ano at sino talaga siya. Nang mapilitang ipakasal sa binatang naging tagapagligtas ng pamilya nila ay tumakas siya sa kasal niya at mukhang umayon pa sa plano niya di lang ang Diyos pero maging ang Gods of Olympus dahil kahit nagka-problema ay nakakuha siya ng pagkakataong makalis ng Greece at makapunta sa Pilipinas, ang bansang pinagmulan ng ina niya. She changed her physical look pero despite sa ginawa niya ay nakilala niya si Kenji na hindi man naging maganda ang unang pagkikita nila pero kahit ang pangit niya na ay lagi parin nitong sinasabing maganda siya. Is this the answer to her life's long desire? Sa wakas ba ay may lalaki nang magmamahal sa kanya ng totoo at mamahalin siya dahil sa kung sino mismo siya at hindi lang dahil sa ganda at sa mga bagay na meron siya?