Irah Violet Lee. Isang makulit, daldalera, maingay at isang napakasweet na babae lalo na kapag pamilya niya na ang kasama. Taglay niya ang isang napakagandang boses kaya siya ay kasali sa isang banda which is the "Psalmist Flock Band". Siya ay isang lead vocalist sa kanilang banda. Naging inspirasyon niya naman sa pagsali ang kanyang ultimate crush na si John Dale Aragon na naging drummer din ng kanilang banda. But then, there's a young man named Marvin Ralph Wong na siyang sobrang kinaiinisan niya dahil sa taglay nitong kasupladuhan at higit sa lahat ay isa itong hari ng kayabangan. Bigla-bigla na lamang itong sumulpot na parang kabute at nalaman na lang niya na makakasama niya na ito sa kanilang banda. Now, ano kayang mangyayari kung ang isang makulit, maingay at daldalera ay makasama ang isang suplado, mayabang at tahimik sa isang banda? Magkamabutihan kaya sila o manatiling di magkasundo ang dalawa? May magbabago kaya... when Mr. Guitarist meet Ms. Vocalist? what will happen next? Well, it's for you to find out.