Sa panahon ng Kastila, matapos tangkaing wakasan ang sariling buhay, si Jek-jek ay ipinadala ng kanyang mga magulang sa simbahan upang "mabawasan ang kanyang mga kasalanan." Doon niya nakilala sina Isko, isang tinedyer na kinatatakutan ng kanyang pamilya dahil sa pagiging rebelde, at si Sael, isang batang pinagbintangan ng kahinaan sa pananampalataya dahil sa kanyang ikinikilos na taliwas sa inaasahan at kasariang hindi naayun para sa karamihan. Bilang mga bagong sakristan, nadiskubre nila ang madilim na lihim ng simbahan-ang pang-aabuso ng mga nakatataas. Sa kabila ng takot at paulit-ulit na pagtatangkang magsumbong, si Jek-jek ay natuto mula kay Sael na patuloy na manindigan at mangarap ng kalayaan. Ngunit sa wakas may isang tanong ang nanatili sa kanila. Paano aalpas sa madilim na liwanag? Paano sila tatakas sa lugar na dapat sila ay ligtas?All Rights Reserved
1 part