The Chords Of Time (1888)
17 Части Текущие May mga himig na hindi natatapos, gaya ng mga alaala na hindi namamatay. May mga pusong nagmamahal sa maling panahon, at may mga kwentong isinulat ng tadhana Kahit labag sa oras.
May mga gitara na minsang pinatunog, ay hindi na muling tatahimik. At may mga kwento na, kahit ilang ulit mong pilit balikan, ay sadyang tinuldukan na ng panahon.
Nang matagpuan ni Harmony ang isang lumang gitara, akala niya'y isa lamang itong simpleng instrumento. Ngunit sa bawat kumpas ng kanyang daliri, tila bumabalik ang oras .isang himig na nagdadala sa kanya sa isang panahong hindi niya inaasahan. Sa ilalim ng mapanupil na pamumuno ng mga dayuhan, natagpuan niya ang mga mata na magpapabago sa kanyang mundo.
Ngunit sa bawat pagbabalik niya sa nakaraan, isang bahagi ng puso niya ang naiiwan doon. At habang siya'y natutong magmahal, lumaban at magsakripisyo, unti-unti niyang natutunan na may mga bagay na hindi kayang baguhin kahit pa ibigay mo ang lahat.
Ngunit paano kung ang nakaraan ang tanging daan upang buuin ang pira-pirasong kasalukuyan? At paano kung ang taong itinadhana niyang mahalin ay matagal nang nakaukit sa kasaysayan at sa kanyang buhay?
Handa ba syang bumalik kung ang kapalit ay ang mundong iniwan nya? O pipiliin nyang manatili, kung ang kapalit ay ang taong natutunan nyang mahalin?
Dahil May mga pusong itinadhana sa maling panahon ngunit kailanman ay hindi nagkamali sa pagmamahal.