
Sa ating makabagong mundo, kung saan ang agham ay nagbago ng maraming bagay-mula sa mga nakagawian hanggang sa mga imposibleng imbensyon-nagbukas ang Zephyrix Academy. Ito ay isang paaralan na itinatag para sa mga taong nagtataglay ng mga kakaibang kapangyarihan, bunga ng mga eksperimento ng mga siyentipiko. Ngunit ang lahat ay magbabago sa buhay ng isang dalaga. Sa kanyang pag-uwi sa madilim na gabi, makakasalubong niya ang isang sugatang siyentipiko. Bago ito bawian ng buhay, may ipaiinom ito sa kanya na isang misteryosong likido. Ang likidong ito ang magiging simula ng isang hindi pangkaraniwang buhay para sa kanya. Paano niya haharapin ang mga pagbabagong ito? Ano ang naghihintay sa kanya sa Zephyrix Academy? Abangan ang kanyang kuwento.All Rights Reserved