Sa tulong ng isang kaibigan ay nahanap ni Sofia ang lalaking sa pagkakaalam niya ay nakabuntis sa kakambal niyang si Sofie na maagang namatay dahil sa panganganak. Jarren Sandejas. Iyon ang pangalan ng lalaki. Nang makita niya ito, hindi na siya nagtaka kung bakit nahulog dito ang kapatid niya. He seemed to carry an air of authority that made him more appealing. Ngunit kailangan niyang nagpanggap bilang si Sofie. Nangangamba kasi siya na baka hindi nito tanggapin ang bata. but he did. at hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman niya dahil doon. pansamantalang naisantabi muna niya ang balak na panunumbat dito. ang mahalaga sa kanya ay ang kapakanan ng pamangkin niya. Then something happened along the way. she fell in love with him. paano kung matulad siya sa kakambal niya? paano kung malaman nito ang lihim niya? At paano pala kapag natuklasan niyang may lihim din ito? Higit niyang ipinangamba iyon kaysa sa ano pa mang bagay.....