"If you could compare yourself to something, what would it be?" Hindi gustuhin, laging nasa hulihan, nakatago, at madalas, hindi pinapansin-parang flavor na mint chocolate. Ganoon kung ilarawan ni Minika June ang kaniyang sarili. Kaya naman, pagdating sa pag-ibig, hindi na siya umaasa na darating pa ang taong nakalaan para sa kaniya. Pero may ibang plano ang tadhana. Sa gitna ng gabi at pagmumuni-muni, nakatanggap siya ng notipikasyon galing sa hindi inaasahan na mga tao, na magiging dahilan ng muling pag-ingay ng kaniyang tahimik na buhay... at puso.