BASAHIN MO/NIYO MUNA: "Ang pag-ibig... naririyan lamang iyan sa tabi... di natin namamalayan nasa tabi lang natin ngunit kung minsan nahahanap natin at biglang dumarating sa di inaasahang pagkakataon, dumarating sa punto na parang kahit malapit siya parang ang layo niya o di kaya ang layo niya pero parang kasama mo lang siya. " "Ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin...mahirap matagpuan at masumpungan, masasaktan ka muna, iiyak ka muna, magmumukmok ka muna, magpapakaTANGA ka muna pero tandaan mo walang TANGA sa pagmamahal sadyang tinamaan ka lang sa taong akala mo hindi ka iiwan, hindi ka papalitan, hindi ka sasaktan, hindi ka paaasahin, hindi ka bibiguin, hindi ka paghihintayin...yung tipong matatawag na "FOREVER"...walang taong bitter... masyado lang tayo nagiging mapanghusga sa mga taong lubos na nagmamahal... wag ka nang mag-isip at magsalita dahil hindi mo alam at hindi natin alam ang pakiramdam ng mga nakaranas, nakakaranas, at makakaranas na MASAKTAN, MABIGO, UMASA, MAGHINTAY, UMIYAK, MADUROG, MAWALAN AT MAIWAN NG HINDI INAASAHAN." "HINDI IBIG SABIHIN NA NABIGO KA SA PAG-IBIG EH HINDI KA NA MAGMAMAHAL...BAHAGI NA IYAN NG PAGMAMAHAL KAILANGAN MARAMDAMAN MO ANG LAHAT NG SAKIT PARA MAHANAP AT MATAGPUAN MO ANG TUNAY MONG PAG-IBIG NA SA DAKONG HULI'Y MATATAWAG MONG "WALANG HANGGAN" (FOREVER)." _____ALAWIT21 <3 <3 <3
2 parts