Si Valeria Luna Reyes, isang simpleng dalagang Filipina na nagmula sa mayamang pamilya, ay biglang naghirap matapos ang trahedyang sinapit ng kanyang mga magulang. Ngayon, tanging ang kanyang matalik na kaibigan mula pagkabata, si Rafael Fernandez, ang kasama niya sa kanilang tahimik na probinsya. Bagamat madalas silang magtalo at magkaasaran, palaging nandiyan si Rafael sa oras ng kanyang pangangailangan-lagi siyang nasa tabi ni Valeria upang damayan siya.
Habang patuloy ang mga araw na magkasama sila sa hirap at ginhawa, unti-unting nadarama ni Valeria ang pag-ibig na higit pa sa pagkakaibigan. Di niya alam na matagal na ring lihim na iniingatan ni Rafael ang damdamin sa kanyang puso para sa kanya. Ngunit sa gitna ng mga pagsubok ng kanilang panahon, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng kanilang nadarama?
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos