Huadelein Delzado "Ang Bai"
72 parts Ongoing Maniniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo?
Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ninuno. Na kung saan noon ay pinamumunuan ng Rajah, mga Datu at ng mga sultan.
Ito ay isang mayamang kultura at kinaugalian ng ating mga ninuno, na magpa-hanggang ngayon ay pinagyayaman ng isang Rajah na kung tawagin ay Rajah Bagani.
Si Rajah Bagani ay may apat na mga anak, ang panganay ay si Ginoong Isagani at may tatlo itong Binukot na mga anak sina Bai Helena, Bai Huada at Bai Hera.
Sa kanyang apat na anak si Bai Huada ang isa sa pinaka pilya, nais nitong lumabas ng kanyang Bukot upang masilayan ang labas ng puod at maranasan ang o na kinabibilangan ng kanyang amang Rajah, na tiyak ay hindi magiging madali para sa Bai.
-ScratchPaper