Sa edad na 13, sinanay na si Natalie ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipasok siya sa Shadow Reapers Gang-ang grupong pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi niya maunawaan ang dahilan ng kanyang ama dahil sa kanyang murang edad ay masyadong mapanganib ang mundong ito. Upang maituon ang kanyang atensyon, inilayo siya ng kanyang ama sa kanyang ina at mga kapatid. Gaya niya, maaga ring sinanay ang dalawa niyang kapatid na ngayon ay matagumpay nang nakapasok sa grupo.
Ang Shadow Reapers Gang ay matagal nang hawak ng mga Del Mavros, ngunit hindi alam ni Natalie na dati itong pagmamay-ari ng mga Guerrero. Ang tanging alam niya ay ang kanyang ama mismo ang nagtayo nito. Dahil dito, ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at oras sa pag-eensayo upang hindi mabigo ang kanyang ama.
Pagkalipas ng pitong taon, tuluyan siyang nakapasok rito at sa wakas ay napahanga ang kanyang ama. Ipinangako niya sa sarili na gagawin ang lahat upang protektahan ang kanilang grupo at pamumunuan ito nang maigi upang hindi maagaw ng iba. Ngunit sa kanyang pagpasok, nagsimulang bumaliktad ang lahat nang makilala niya si Maverick Alistair. Si Maverick ay isa sa mga tauhan ng kanyang ama, ngunit ang katotohanan ay isa pala itong Guerrero. Pumasok siya sa grupo upang bawiin ang nararapat para sa kanyang pamilya.
Sa paglabas ng katotohanan, sino kaya ang mas matimbang kay Natalie? Ang pamilyang kinalakihan o ang lalaking minamahal?
Sa bawat hakbang ay may tungkuling dapat gampanan. Ano kaya ang mananaig? Ang tungkuling ipagpatuloy ang kasamaan, o ang tungkuling itama ang kasinungalingan?
STATUS: ON-GOING
NOTE: This story used to be called Shadow of Duty, but I changed it to A Duty to Undo. I wasn't happy with my first draft, so I am changing the plot to make it better. The character names are the same, but the story will be different. Updates will be slow for now. Thank you for reading!
READ AT YOUR OWN RISK
CREILEIGHTON
ALL RIGHTS RESERVE 2026
All Rights Reserved