MHST Volume 4: BANGUNGOT - Paano kung ang bangungot ay hindi lang basta masamang panaginip? Sunod-sunod ang mga taong hindi na nagigising mula sa kanilang pagtulog. Kumakalat ang takot sa lungsod dahil walang makapaliwanag kung ano ang tunay na dahilan. Sa bawat pagpikit, nag-aabang ang isang madilim na puwersang humihila sa kanila papunta sa mundong puno ng takot at lagim. Habang dumarami ang mga biktima, kailangan nilang tuklasin ang lihim na bumabalot sa kanilang mga panaginip bago pa tuluyang maubos ang kanilang oras. Ngunit paano mo lalabanan ang kaaway na naghihintay lamang na ipikit mo ang iyong mga mata?
***
MHST Volume 5: BANGUNGOT
Mga Hiwaga sa Takipsilim Series
Writer: Angela Atienza
Content Editor: J. del Rosario
Book Cover Design: MariKris26