23 parts Ongoing MatureALL 4 HER
Akala ni Asha Gabriel Tamayo Villanueva, sapat na ang isang heartbreak para matutong umiwas.
Grade 10 siya noong minahal niya ang isang lalaking gwapo, matangos ang ilong, may halong langit sa ngiti at impyerno sa ugali. Sa loob ng dalawang buwan, tinuring niyang mundo ang lalaki. Sa isang iglap, gumuho ang lahat.
Simula noon, nangako siya: "Ayoko na sa mga pogi. Lahat sila manloloko. Sa susunod, pipiliin ko na lang 'yung siguradong hindi ako sasaktan yung pangit."
Pero sa kalokohang 'yon nagsimula ang mas mabaliw na taon niya. Sa buong Grade 11, siya mismo ang umamin oo, siya pa talaga sa mga hindi kagwapuhan sa school. Ang masakit? Kahit 'yung mga 'di na nga blessed sa hitsura, siya pa rin ang nireject.
Hanggang sa dumating ang Grade 12.
Isang hamon mula sa kaibigang si Beatriz ang biglang magpapagulo sa tahimik (at rejected) niyang mundo kilalanin ang apat na pinaka-heartbreaker sa campus.
Ayaw niya, syempre. Ayaw niya sa pogi, ayaw niya ng sakit, at ayaw niya ulit masaktan. Pero minsan, hindi mo kailangang lumapit sa tadhana. Minsan, tadhana ang lumalapit sa'yo.
At sa pagitan ng galit, tawanan, kaibigan, at pananampalataya, matutuklasan ni Asha na hindi lahat ng maganda sa paningin... ay masama sa puso.