Isang aksidente ang nabago ng kapalaran ni Pierre. It becomes his way para balikan ang kaniyang mapait na nakaraan, na nagparamdam sa kanya ng labis na panggagamit, pananakit at pang-aabuso. Pinilit niyang baguhin kung ano at sino siya para makuha ang hustisya, makamit ang katotohanan, at mabawi ang kaniyang karapatan. Paano kung sa pagbabagong ito ay matagpuan niya ang isang pagmamahal na magpapalambot at magbubukas ulit ng kaniyang puso para magmahal ulit? Pipiliin niya kaya ito, kung ang kaniyang puso ay pilit ng isinasara at ginawang bato ng kaniyang nakaraan?