-----------------------------
sabi nila "LOVE is the greatest thing in the world" pero bakit madaming umiiyak dahil dun?
ganon ba talaga sa pag-ibig? laging may nasasaktan at nananakit. yung iba, di sinasasyang makasakit, yung iba naman walang pakialam kahit makasakit.
ganun ba talaga sa pagmamahal? laging may umiiyak, naiiwan, naloloko. bakit ang daming sawi sa pag-ibig? sino nga ba ang may kasalanan kaya maraming nasasaktan at umiiyak?
ang taong minahal mo? ang tadhana? ang ibang tao? o sarili mo?
kasalanan ba nung taong niloko ka o kasalanan mo dahil alam mo naman, binalewala mo lang.
kasalanan ba ng taong nagpaasa sayo o kasalanan mo dahil hindi ka naman sigurado kung may patutunguhan nga talaga pero umasa ka pa rin?
kaya siguro dahil dun, maraming takot magmahal, mapasok sa isang relasyon, dahil baka sa huli ganon din ang mangyari sa kanila, maloloko, maiiwan. at isa na ko dun.
alam niyo, may ikukwento ako.
---------------------------------------