"Hangal na kung hangal. Hoy! Venus, ibaba mo rito ang anak mo para pagbayaran niya ang ginawa niyang pagsira sa love life ko. Ang engot ko noh! Tanga- pero mahal ko kasi si Ram. May expiration pala yung buwesit niyang pana!" ani niya habang walang tigil sa pag-agos ang kaniyang luha. Napaupo siya sa gilid ng tulay habang pinagmamasdan ang paparating na maiitim na ulap. Ilang sandali pa ay bumagsak ang malakas na ulan na sinundan ng nagpapalakasang kulog at matatalim na kidlat. Dahil sa takot ay bigla siyang tumayo ngunit nadulas siya at dire-diretsong nalaglag sa tubig. Nagising siya dahil sa amoy nang matapang na kape. Nanlaki ang mata niya dahil malinaw sa kaniyang alaalang nalaglag siya sa tubig. Kinapa niya ang kaniyang suot basang-basa pa ito. Nanginginig siyang lumabas sa Coffee Shop ngunit sumalubong sa kaniya ang matangkad na baristang may asul na mga mata at kulot na kulay gintong buhok. "At saan ka naman pupunta, Sachi? Akala ko ba hinahanap mo ako?" tanong ng lalaki. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang pangalan sa name pin nito. Kaya naalala niya ang paghamon niya sa tulay. "Pido?" "Uhm, yeah as Kupido." Paano kung totoo ngang ma-meet mo si Kupido? Matutulungan ka kaya niyang malaman ang dahilan nang break-up ninyo o hindi ka nalang maniniwala sa Pag-ibig kasi may expiration pala ang pana niya?