64 parts Ongoing May mga sumusulat dahil malungkot
Yung tula na rin mismo yung mga luha nila, higit pa sa papel na lukot
May mga sumusulat dahil masaya
Yung galak nasa pagitan ng bawat letra
Sa bawat tula,
Naniniwala akong may kwento
May kwentong hindi direkta
May kwentong tago, nakatago
Hindi lahat ng tula ay natatapos at buo
Parang buwan, kahit madilim, kalahati, hindi napapagod ang dalawang mata na pagmasdan ito
Hindi rin lahat ng tula na tapos na ay tapos na talaga, walang katapusan
Malawak din ang tahanan ng buwan kasama ang mga bituin, marami ang masaya at natutuwa sa kalawakan
Sa balon ng Tula
Kulay ang matatagpuan mo sa ilalim
Dilim man ang hiniling
Sisirin mo
Magpakalunod ka
Ibang paglaya ang mahahanap mo
Makakahinga ka
Mataas man ang poste nalunod na rin ako,
Maglakbay ka Makata, tuklasin ang sariling kwento sa natatagong mundo.
Ang tula ay tulay sa ibabaw ng dagat ng mga nakasabog na salita
Ako ang pako na patuloy na bumabaon sa kada dagok ng panahon
Ininda ko ang pagsabog na kahit iba ang may dulot, malala
Nakakalunod, ang hirap makaahon
Gusto ko pang sisirin ang kadiliman,
Alam kong hindi ako nag-iisa
Marami pa ang nagtatago, sadyang ako sa ngalang
'Posteng Makata'.