Nakaupo lang ako sa bench sa open court ng school campus namin. Foundation Day ngayon, so medyo maingay, masaya, at ang daming tao. Wala naman akong inaasahan-just chilling, people-watching, at enjoying the breeze.
Bigla na lang lumapit si Ray, my ever-so-hyper friend, na may ngiting parang may balak. Parang kinikilig pa 'to, ewan ko ba.
"Kaz!" tawag niya, sabay upo sa tabi ko.
"Yes?" sagot ko, clueless.
Leaning closer, he grinned. "Caden sends me to give you his regards."
Napakunot noo ako. "Caden? I don't know anyone named Caden."
Tumaas kilay niya, tapos tawa ng kaunti. "Eleventh grader daw. Volleyball player. Parang type mo, kasi 'di ba, you got a thing for volleyball boys?"
Nag-blink ako ng ilang beses. Volleyball player... okay, medyo gets kung paano siya naging aware sakin. Volleyball player rin kasi si Ray, so baka teammate or kakilala.
"Tara," sabay hila niya sa braso ko.
"Saan?" tanong ko, medyo gulat.
"Saan pa ba? Papakita ko siya sayo, syempre."
Nagpanic ako, pero pinipilit kong magmukhang chill. "Wag nga! Gago, 'wag na, nakakahiya."
Pero syempre, ayaw tumigil ni Ray. We kept bickering like kids, hanggang sa natapos na 'yung morning program. That's when I realized... teka, sino nga ba talaga yung sinasabi niyang Caden?