Karamihan sa atin, fragments nalang ang memory na natitira from the past, marami na tayong hindi maalala sa mga childhoon experiences natin, mga alaala na nawala na o marahil nagtatago lang sa ating isipan. Hindi ka ba nagtaka minsan kung bakit? MEMORY EATERS. Sila ay mga nilalang mula sa ibang dimension na ang tanging ginagawa ay ang panatilihin ang balanse sa isipan ng mga tao sa pamamagitan ng pagkain sa ilang memorya nila. Pero paano kung merong isang tao na walang nalimutan na kahit na isang detalye sa buhay niya? Makakaya kaya ng dalawang memory eaters and iniatang na misyon sakanila na kainin ang memorya ng babaeng ito o sila ang makain ng sarili nilang mga memorya na kasama siya?