Kung maaari lang diktahan ang puso kung kanino ito titibok ay matagal nang ginawa iyon ni Sky Concepcion na hindi sinasadyang mahulog ang loob sa kababata nitong si Cloud Akiro Javier na kahit noong bata pa lang ay binabae na. Sa edad nila na apat na taong gulang nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Sa kadahilanang binabae si Cloud ay mabilis silang naging magkaibigan ni Sky na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigiba ang kanilang pagkakaibigan. Sa takot ni Sky na masira ang kanilang matagal na pagkakaibigan ni Cloud ay pinili na lamang niyang ilihim ito sa sarili. Hindi niya maaatim na masisira lamang ang kanilang pagkakaibigan nang dahil lamang sa kanyang nararamdaman. Ngunit paano kung isang araw ay may magustuhan si Cloud at magagawa ng lalaking iyon suklian ang pagmamahal ni Cloud? Maaamin pa kaya ni Sky ang kanyang damdamin o tuluyan nang mababaon sa lihim ang kanyang nararamdaman kay Cloud?All Rights Reserved