Seraphina Gracia, lumaki si Sera sa lugar na dulo ng Santa Clara. Isang mayaman na lungsod at hitik sa naggagandahang lupain at dagat. Hindi naranasan ni Seraphina ang maging isang normal na bata na naglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan at iba pang dapat ay nararanasan ng isang bata. Lumaki si Sera na itinatago ng kanyang Ina dahil sa taglay niyang kakaibang itsura. Si Seraphina ay may kakaibang sakit sa balat na kung tawagin ay isang albino. A human being who is congenitally deficient in pigment and usually has a milky or translucent skin, white or colorless hair, and eyes with pink or blue iris. Naging mabigat kay Sera ang buhay dahil sa kakaibang kulay. At katulad ng babaeng nag dadalaga duon ay mapupuno ng katanungan si Seraphina, tungkol sa pag ibig at kung ano pa ang bagay sa mundo at sa kanyang paligid. Palihim si Seraphina na lumabas ng kanilang bahay at na tungo sa bayan ng Santa Clara. Duon ay bubungad kay Sera, ang magandang itsura ng lugar. Ngunit sa hindi inaasahan ni Seraphina, ang masayang puso niya ay mababalot ng takot, nang makita siya ng mga tao at katakutan ang taglay niyang kulay. Hinabol ng silo at apoy si Seraphina at binansagan na isang anghel na tinapon ng langit sa lupa. Sinasabing sumpa siya ng Santa Clara ng matapos siyang makita ay biglang dumaan sa buong bayan ng Santa Clara ang isang matinding bagyo at nagkaroon ng matinding pagkalugi sa pananim. Kaya naman lalong pinag initan siya ng tao. Ngunit sa pagdating ni Tyron Lacson sa lugar ng Santa Clara kung saan kilalang mayaman at governador ang kanyang Ama. Duon ay mababago ang lahat para sa dalagang si Seraphina. Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang dalawa sa isang batis kung saan madalas na pinapaliguan ni Seraphina. Duon ay mapupukaw at mabi bihag ni Sera ang mailap na puso ng binatang si Tyron. Ngunit sa pagkakataong na nais ni Tyron na mapalapit sa kakaibang anghel sa lupa na dalaga. Mapaibig kaya niya ang puso ni Seraphina?
1 part