Pilit man, Di susuko (MIKHAIAH AU) Season 1
36 parts Complete Si Mikha Lim, isang bisexual na handang gawin ang lahat para sa kaniyang crush na si Aiah Arceta, ang straight girl na walang kamalay-malay sa nararamdaman niya. Sa araw-araw na pangungulit sa chat at messages, lagi't lagi siyang nauuwi sa rejection. Pero hindi doon nagtatapos ang kuwento.
May sariling mundo si Aiah-ang mundo kung saan si Jeremy, isang basketball player, ang laman ng kanyang isip at puso. Kasama niya rin ang barkada niyang sina Sheena, Maloi, at Stacey. Samantalang si Mikha, may mga kaibigan ding laging nakasuporta: sina Gwen, Colet, at Jhoanna, na may kanya-kanyang "crush war" laban sa mga tropa ni Aiah-si Gwen kay Sheena, si Colet kay Maloi, at si Jhoanna na laging nakikipag-asaran at bardagulan sa mortal crush niyang si Stacey.
Ngunit isang araw, nang malaman ni Mikha na may iba palang gusto si Aiah, bigla siyang naglaho. Ang dating araw-araw na pangungulit ay napalitan ng katahimikan-at dito na nagsimulang gumulo ang isip ni Aiah.
Isang love story na puno ng kilig, bardagulan, rejection, at hindi inaasahang plot twist.
Ito ang simula ng kwento nina Mikha at Aiah sa "Pilit man, Di Susuko (MIKHAIAH AU) Season 1."