Ang buhay ni Radiah Madriano ay katulad lang din ng mga normal na tao. Normal na namumuhay.. Bagama't hindi katulad ng ibang babaeng nagkikinangan ang pisnge sa kinis dahil sa ginagamit na mga produkto ay masaya ang buhay niya kasama ang Ina.. Hindi rin siya katulad ng ibang nakakasalamuha niyang tao na nagsisipalakpakan ang mga bag dahil ang mga laman non ay mga mamahaling gadgets at wallet na napakakapal ng kwartang nakapaloob.. Hindi naman kasi mahalaga sakaniya kung mayaman man siya o nasa mababang katungkulan sa buhay dahil ang mahalaga sakaniya ay makapag-aral at magkatrabaho para matustusan ang kailanganin ng kaniyang ina upang sa paraang man lang iyon ay makabawi siya sa pagsasakripisyo nito't lalo na't nayumao na ang ama niya.. Pero paano niya magagawang gawin iyon kung nung pumasok siya sa isang paaralang kinikilala ngang maganda at malaki at sikat kung impyerno naman kung ituring niya. Bakit? Dahil sa araw-araw na pag-apak niya sa paaralang iyon ay samu't saring pang-iinsulto ang natatanggap niya. Hindi lamang masasakit ang natatanggap niya kundi pisikal na pananakitm. Kakayanin ba ni Radiah ang matupad ang hangarin para sa ikabubuti ng ina kung nabali niya ang isa sa mga patakaran ng Badboy? Ano na lang ang magiging takbo ng buhay niya kung nabali niya ang Badboy's Rules?
More details