Oh, napadaan ka yata dito sa aking gawa, magandang binibini. May maipaglilingkod ba ko sa'yo? Huh? Guy things? Bakit? Pinaiyak ka ng kasintahan mo? Inaayawan ka ng crush mo? Hindi ka type ng ideal guy mo? May napapansin kang kakaiba sa lalaking laging kasa-kasama mo? O... nagmamahal ka lang? Nagmamahal ka kaya... you wanna know a sort of things about us? Teka, masyadong mahaba at malalim ang eksplanasyon para diyan. Kung gusto mo, sumama ka na lang sa'kin. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako tulad ng ibang lalake. Hindi kita sasaktan. Dahil sigurado akong mapapasaya kita at marami kang malalaman. Tara! Kunwari, babe muna kita ngayon. *wink*