Naranasan mo na bang mainlove sa taong para sayo ay tama syang mahalin pero sa iba ay mali? Yung pinipigilan mong mainlove sa kanya kasi ayaw ng utak mo pero gusto ng puso mo. Makakaya mo kaya syang palitan na lang ng basta basta? Na kapag mali na ay bibitawan mo na lang at maghahanap ng mas tama sa kanya? Kailangan mo ba syang igive up para sa happiness ng iba. Kasi mas gusto mong masaktan ang sarili mo kaysa makasakit ng iba. Ano ba ang dapat mong sundin ang puso mo o ang utak mo? Marami ang nagsasabing mas gamitin ang utak kaysa puso kasi sabi nila ang utak nakakapagisip na kapag nagutom ka, nakakaisip ang utak ng paraan kung pano makakain samantalang ang pagmamahal ba ay nakakabusog? Pero bakit ba kailangan pang mamili kung anong dapat mong gamitin kung pwede sabay kasi para sa akin dapat ginagamit yan ng sabay at hindi yung gagamitin mo yung puso mo kapag pagod na ang utak mo. Dapat teamwork yan na parang sa trabaho na may sarisariling ginagawa para sa magandang produkto
4 parts