Sabi nila, mapaglaro ang tadhana. Sabi ko naman, ang pagmamahal ang mapaglaro. Bakit? Kase ang 'the one' mo, kusang dadating yan sa tamang panahon. Bahala na si tadhana kung kaylan. Pero ang pagmamahal, gotla ka kapag tinamaan ka nyan. Nainlove ka na nga ng maling oras, nainlove kapa sa maling tao. Minsan nga eh, nagkakagulo na kayo't lahat, nakuha mo pang mainlove sa katabe mo. Oh diba? Unexpected. Baka nga mamaya o bukas, tinamaan ka na nyan. Ang love, walang pinipiling oras, lugar, o kung ano man. Kusang nararamdaman yan. Nakakabobo nga yan eh. Ginago ka na't lahat, nakuha mo paring mahalin sya. Pero isipin mo, bat mo pa mamahalin yung taong ginagawa kang tanga? Ang daming nagmamahal sayo jan pero sinasayang mo lang oras mo jan sa taong wala namang pake sayo. Di kapa nakuntento iniyakan mo pa. Deserve ba nya yang luha mo? Tingin mo ba iniisip ka din nya? Ikaw nagddrama sya lumalandi. Well, eto lang masasabi ko. That's the Game of Love.