3 parts Ongoing SLOW UPDATE
Si Kashienne Herrera ay namuhay ng simple kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Kennedy at ang kanilang ina. Ulila na silang magkapatid sa ama. Pero kahit kailan, hindi ipinaramdam sa kanila ng kaniyang ina na hindi sila kumpleto. Bagkus, ginawa nito ang lahat ng makakaya para makakain sila ng tatlong beses sa isang araw o higit pa ro'n, mabigay ang pangangailangan ng kaniyang mga anak, at mapaginhawa ang buhay nilang mag-iina.
Lumaking mabait, matulungin, masayahin, at mapagmahal sa pamilya at mga kaibigan si Shien. Bata pa lamang ito, sinabi na sa kaniya ng kaniyang ina na wala silang padre de pamilya. Sa murang edad na 'yon ay naiintindihan niya na ang lahat, kaya naman hindi na siya nagtanong pa tungkol sa kanilang ama. Sapat na sa kaniya ang kaniyang ina, na siyang tumayo bilang ilaw at haligi ng kanilang tahanan.
Isa sa pangarap niya ang makapasok sa sikat na unibersidad sa probinsya ng Bulacan, ang Haleston University. Hindi niya alam, sa pagpasok niya sa unibersidad na 'to ay magsisimulang gumulo ang tahimik na buhay niya.
Sa pagpasok ni Shien sa pangarap na unibersidad ay makakatagpo siya ng mga problemang kailangan niyang bigyan ng mga sagot at solusyon. Isa sa magiging problema niya ay si KD Montemayor, ang sikat na engineering student sa campus.
Date published: April 23, 2023
Date completed:
Most impressive rank:
# 14 in mylife out of 25.5k stories