15 parts Ongoing THE WORST OF SCHOOL
Sa isang paaralan na tila'y ordinaryo lang sa labas, nagkukubli ang mundo ng karahasan, kapangyarihan, at rebelasyon. Dito, hindi lang talino o galing sa klase ang sukatan ng respeto-kundi kung paano ka lumaban.
Si Kira, isang tahimik pero misteryosong estudyante, ay pilit iniiwasan ang gulo. Pero sa bawat sulok ng campus, may mga grupo at gang na naghahari-harian. Nang matuklasan niya ang kalokohan, pananakot, at kasinungalingan sa likod ng sistemang pang-edukasyon, napilitan siyang lumaban-hindi para sa sarili, kundi para sa mga naaapi.
Kasama ang ilan sa mga hindi inaasahang kakampi, bubuo sila ng grupong TENGOKU, tagapagtanggol ng mga inaapi, laban sa lumalaking banta ng grupong TENDO at iba pang mas malalaking puwersa.
Dito sa THE WORST OF SCHOOL, wala sa ganda ng grades o galing sa recitation ang tunay na laban-dito, buhay mo ang nakataya.