Sa mahiwagang mundong nahahati sa limang kaharian-Waterino, Fyreliro, Winderyo, Luparyial, at ang Imperyo-may isang trahedyang nagdulot ng walang katapusang kaguluhan. Dalawang dekada na ang lumipas mula nang mawala ang prinsesa ng Imperyo noong gabi ng kanyang kapanganakan. Sa pagpanaw ng reyna at, kasunod nito, ang hari, tuluyang nagkawatak-watak ang mga kaharian, hindi alintana ang mga hukom na wala nang kapangyarihang supilin ang digmaan. Sa ilalim ng patuloy na hidwaan, lumalakas ang pag-asa ng mga mamamayan sa propesiya tungkol sa nawawalang prinsesa. Ayon dito, hindi na lamang siya maaaring maging reyna ng Imperyo; maaaring siya rin ang mismong puwersang gigiba sa mundo, upang itayo ang sarili niyang kaharian. Habang bumibigat ang mga tunggalian at lumalapit ang katuparan ng propesiya, isang tanong ang bumabalot sa lahat: matutuklasan pa kaya ang prinsesa, o sisiklab ang kanyang kapangyarihan sa paraang walang inaasahan?
1 part