Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha habang ako'y patuloy na naglalakad patungong pasilyo. Ang aking ina ay mahigpit na nakahawak sa aking braso.
"Tahan na. Matatapos rin ito." Yan ang huling sinabi niya matapos niya iabot ang aking kamay sa kay Chad.
Napalunok ako. Matatapos na ang ceremony ng kasal pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kita ko ang pagkatuwa ng mga tao sa paligid ko. Ang kanyang magulang na todo punas ng kanilang luha. Ang kapatid ko na lalaki na tahimik lang nasa gilid at seryosong nakatingin sakin. Ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Chad na sobrang saya sa at lumuluha rin.
Hindi ako masaya. Hindi ko ito ginusto. Pero para sa future ko at ng kapatid ko, gagawin ko.
"I do, Father.." Tugon ko habang tuluyan nang nahulog ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan, kasabay noon ang paghalik sakin ni Chad sa noo.
"I love you so much, Rain" singhal niya.
Ever since then, I have been waiting for my prince to make me feel like a princess..
So far, not so good.
For me, he is not my Prince Charming. He's not whom I have been waiting for..
Or is he?
Will I be forever stuck alone with him?
Will this marriage last long?
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.