Gangster meets the Playboy
11 parts Ongoing Si Shiela Shanaya Agonza ay isang gangster na ubod ng ganda at bait, matalino din siya at palaging nangunguna sa klase. Kahit na isa siya sa pinakakilalang matapang sa kanilang lugar ay nananatili pa din ang pagiging mabait niya, hindi siya lumalaban kung alam niyang mali at hindi patas. She knows how to respect others. Madami ang nahuhumaling sa kaniya kahit pa may pagkatomboy siya, at isa na doon si Makoy na isa sa mga taong tumulong sa kaniya nung naulila siya.
Si Justine Gonzales naman ay isang anak ng pinakamayaman sa buong bansa. At gaya ni Shiela ay madami din ang nahuhumaling sa kaniya. Guwapo siya at matalino, kaso nga lang ay isa siya sa pinakadakilang pakboy. Kaliwa't kanan ang babae niya, oras oras ay hindi siya nawawalan ng babae. Siya din ang pinakasikat sa paaralan nila, lahat pinapantasya siya, babae man o bakla. May pagkasuplado siya pero mabait naman siya.
Paano kung magsalubong ang kanilang landas? Paano kung isang araw ay mahulog ng hindi inaasahan si Justine kay Shiela? Paano kung ang isang dakilang PLAYBOY ay kayang baguhin ng isang GANGSTER? At paano kung ang isang PUSONG LALAKE ay kaya ding baguhin ng isang PLAYBOY? Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ng isat isa? Sino kaya ang pipiliin ni Shiela? Si Makoy ba na kumupkop sa kaniya at itinuring siyang pamilya? O si Justine na isang playboy at mahilig sa babae, pero kayang magbago para lang sa kaniya?