Iba ang dahuyong dala ng mga tala, hindi mapipigilang mapagmasdan ang pagkinang ng mga ito. Ngunit ang kinang minsan ay magtatago ng sikreto, katulad ng pagdanak ng dugo sa mga kamay ni Formoso. Hindi alintana ang pag-agos ng dugo at pag-mantsa ng mga ito sa kanyang kamay, maliban lamang nang dumaloy ang dugo mula sa kanyang nag-iisang pag-ibig. Sa kanilang muling pagtatagpo sa bagong mundo, pagkalipas ng mahabang panahon ng paglalakbay at paghahanap, paano maibabalik ang pagkarahuyo ng isang tao sa isang taong minsan nang bumuwis sa kanyang buhay?All Rights Reserved
1 part