Megan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akitin ang makapangyarihan at respetadong gobernador sa kanilang lalawigan ay sinunod naman nito. Labag man sa kanyang kalooban ay ginawa niya ito dahil sa utos ng ina. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay hindi na pala niya kailangan pang magsikap para isagawa ang plano ng ina sapagkat sa unang tapak palang niya sa mundo ni Rake Romualdez ay nakuha na kaagad nya ang atensyon ng gobernador. Nagbunga ang isang gabi ng tuluyang pagkalunod niya sa pagnanasa. Isang batang lalaki ang nabuo at magpapakomplikado sa magkaibang takbo ng kanilang mundo. Papaano niya lalabanan ang pagsubok ng tadhana kung maging siya man ay hindi alam kung papaano haharapin ang pagsubok bilang isang ina? Papaano niya tatakasan ang paparating na problemang dala ng isang Rake Romualdez sa buhay niya kung ang tanging alam niya lamang gawin ay ang tumakbo at ilayo ang anak sa ama nito. Hahayaan niya ba muling ipagkatiwala ang sarili at puso niya sa gobernador o tuluyan na nga niyang susundin ang ibinubulong ng kanyang isipan; ang magpakalayo-layo.