
Sa mundong ating ginagalawan, maraming mga bagay ang mapanlinlang. Ang inaakala nating mapagkakatiwalaan ay siya pa palang sanhi ng pagtataksil. Ang akala nating kilalang-kilala ay siya pa palang misteryo. Ang inaakala nating imposible'y nagiging posible. Ang inaakala nating katotohanan ay siya palang kasinungalingan.
Kung naranasan niyo na ang lahat ng ito, hindi ba't nakakabaliw? Ang hirap alamin ang totoo sa hindi. Ang hirap ikumpara ang realidad sa panaginip. Ang hirap magtiwala lalo na kung ang taong iyon ay niloko ka na nang minsan. Ang hirap mabuhay lalo na kung wala ka ng rason para gawin ito.Todos los derechos reservados1 parte