Story cover for The Probinsyana Twins by Eveyourwife
The Probinsyana Twins
  • WpView
    Reads 16,808
  • WpVote
    Votes 1,375
  • WpPart
    Parts 43
  • WpView
    Reads 16,808
  • WpVote
    Votes 1,375
  • WpPart
    Parts 43
Ongoing, First published Nov 16, 2024
Mature
𝐄𝐢𝐥𝐲 𝐋𝐨𝐮𝐢𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐧𝐭- ang nakakatandang kakambal ni Eilyxa. Babaeng walang pakialam sa iba ngunit kapag ang kambal na nito ang pinag-uusapan, nakakatakot kapag nagalit. Protective sister at laking probinsya. 

"𝐺𝑎𝑙𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 ℎ𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖 𝐸𝑖𝑙𝑦𝑥𝑎."

"𝐷𝑢𝑚𝑎𝑎𝑛 𝑘𝑎 𝑚𝑢𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑜."

𝐄𝐢𝐥𝐲𝐱𝐚 𝐋𝐨𝐮𝐢𝐬𝐞 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐧𝐭- ang babaeng manang kung manamit. Masayahing tao, mapagmahal at maalalahanin sa kanilang magulang na kinagisnan. 

"𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑀𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎, 𝑎𝑘𝑜'𝑦 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛. 𝐷𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑃𝑟𝑜𝑏𝑖𝑛𝑠𝑦𝑎, 𝑎𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑎𝑠."

"𝐴𝑛𝑎𝑘 𝑘𝑎 𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑎𝑦 𝑚𝑜!"

Sila ay lumaki sa probinsya sa piling ng kanilang tita Beth ngunit isang araw ay luluwas ang mga ito sa siyudad ng Manila upang mag-aral sa Eternal University. May mga makikilala silang tao na magpapabago sa kanilang mga buhay. Paano kaya haharapin ng ating mga bida ang kanilang kahihinatnan? Abangan!
All Rights Reserved
Sign up to add The Probinsyana Twins to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
5 DAYS (PUBLISHED UNDER CLP) by AdiennaMichelle
27 parts Complete Mature
Bawat araw sumasakay si Ailey Espinar sa bus upang makarating sa Unibersidad de Laurente. Nakikipagsiksikan, tulakan at pambuno muna siya para lang makaakyat upang makarating sa kaniyang destinasyon. Masasabing madaldal, masayahin at palakaibigan si Ailey. Nagkagusto siya sa Nursing Student, iniligtas siya nito sa lalaking nambastos sa kaniya hanggang isang araw nagulat na lang siya na malapit na sila sa isa't isa. Natagpuan niya ang sariling parang baliw na nakangiti at masaya tuwing pupunta sa sakayan ng bus. Sa loob ng apat na araw palagi silang nagkakasama ng lalaking ito, pero hindi niya man lang inabalang tanungin kung ano nga bang pangalan niya. Sa ikalimang araw nilang magkasama napagdesisyunan niyang tanungin ang pangalan subalit bubuka pa lang ang kaniyang bibig naitikom niya na iyon dahil sa lakas ng sigawan ng mga tao, maaaksidente sila! Akala niya ay katapusan na ng buhay niya, pero may mga bisig na yumakap at promotekta sa kaniya. Hindi niya inaasahang naligtas siya sa masalimuot na pangyayari-niligtas siya ng lalaking kahit pangalan ay hindi niya alam. Iyon ang araw na naisipan niyang tingnan ang I.D. nito-Denveir Camerino. Namatay siya sa aksidente, hindi niya man lang nasabi ang nararamdaman niya para rito. Simula nang mangyari ang trahedya natakot na siyang sumakay sa bus. Lumipas ang ilang buwan, habang naglalakad siya sa hallway ng Laurente bitbit ang box ng buko pie may bigla na lang tumawag sa kaniya. Kinabahan at natulala na. Wala sa sariling tinakbo niya ang distansya nila ng lalaking kamukhang-kamukha ni Denveir! Sino nga ba ang lalaking 'yon? Siya ba talaga si Denveir?
The F- Buddies by LenaBuncaras
56 parts Complete
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelist na si Gregory Troye, hindi niya inaasahang matatawid ang mga limitasyong ibinigay niya sa sarili para lang sa inaakala niyang tunay na pagmamahal. Sa sandaling halos ipamukha na sa kanya ng tadhana na mali siya ng mga naging desisyon sa buhay, mapaninindigan pa kaya niya ang paniniwalang walang happy ending kung ang inaakala niyang ending ay magdudulot sa kanya ng tunay na kahulugan ng salitang "happy?" Para matapos ang kuwentong hindi naman tungkol sa dalawang taong nagmamahalan, pero tungkol sa love; ano nga ba ang kailangan niyang gawin para matapos ang kanyang pinapangarap na collab? At sa di-inaasahang pagsasama ng dalawang taong hindi naman ganoong nagtagal, mahahanap niya sa di-inaasahang pagkakataon ang perpektong kasagutan sa tanong na "Naranasan mo na bang magmahal?" Disclaimer: This story is written in Taglish. Cover Illustration by Sempiternal Artist ******** The F- Buddies © 2019 by Elena Buncaras ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the prior written permission of the author, except brief quotes and lines used in some description, written specifically for inclusion in this book. This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental. 09/05/19 -09/27/19
You may also like
Slide 1 of 10
The Tutor Meet The Gang Leader (Completed Tagalog) cover
5 DAYS (PUBLISHED UNDER CLP) cover
The F- Buddies cover
O U R L O V E S T O R Y cover
Ang Prince Charming kong Singkit (Ulysses Lim & Marie Rose Javier) cover
Red Haired Princess: SAPPHIRE (Completed) cover
HIM & I [SEASON 1] cover
His Lola's Girl (#onceuponajollibee) cover
Flaming Fondness (Complete) cover
Bayarang Babae(Completed) cover

The Tutor Meet The Gang Leader (Completed Tagalog)

16 parts Complete

Anak ng isang punong guro si Maynard Samabayon . Laging nag-aalala ang kaniyang daddy dahil sa pagiging pasaway at basagolero niya. Wala rin siyang interes sa pag-aaral. Siya ay isang leader ng isang gang kaya laging nasasangkot sa gulo. Si Rosemarie ay isang matalinong babae kaya laging top one, since daycare. Siya ay mahiyain, mahinhin, boring kausap ayon sa mga elementary classmates niya, laging tahimik at laging nagbabasa ng books. May naitulong naman ang laging pagbabasa ng books nang mapunta siya sa mahirap na sitwasyon. Natuwa si Rosemarie ng magkaroon siya ng sideline job, bilang tutor ng anak ng pricipal, kung saan siya nag-aaral. Ang pangalan ng lalakeng tuturuan niya ay si Maynard Sambayon, isang gang leader. Kaya nang simula ay nahirapan siyang turuan at pakisamahan ang lalake sa sobrang tigas ng ulo, mayabang at ignorante. Kalaunan ay nagkakamabutihan ang dalawang taong magkaiba ang patutunguhan sa buhay. Sa kahilingan ng minahal na babae, ng katahimikan, kaya bang i-give up ng lalakeng bida, ang grupong pinaghirapang buuhin? Kaya niya bang bitawan ang pagiging gang leader niya, at magsimula ng bagong kabanata na puno ng katahimikan at pagmamahal, kapiling ang babaeng iniibig? Genres; Romance, Teen Fiction, Action, Gangster