Popular si Alex sa eskwelahan nila, pero sa kabila ng lahat napakabait at humble nito. Napakadali nitong i-approach ng kahit na sino sa mga estudyante kahit na anong year level pa ang lumapit dito. Maraming kababaihan ang humahanga at isa si Rhajaf sa lihim na kinikilig kay Alex.
Magkaklase sila ni Alex. Marami sa kaklase niyang babae ang alam niyang may lihim na gusto sa binata. Well hindi naman nakakapagtaka, sa itsura, talino, attitude at talent nito no wonder kung bakit marami ang humahanga kay Alex. Complete package ika nga ng iba.
Hanggang isang araw, nilapitan siya ni Rence upang sabihin na naghihintay sa kanya si Alex para kausapin. OMG! Bakit ganon kinakabahan siya? Ano nga bang sasabihin sa kanya ni Alex?
May naghihintay nga bang forever sa kanilang dalawa ni Alex? At si Leo, apo ng matalik na kaibigan ng kanyang lolo na naging malapit niyang kaibigan mula ng makita niya ulit ito sa iisang unibersidad na pinapasukan nila. Mahalata nga kaya ni Rhajaf ang lihim na nararamdaman para sa kanya ng binata? Maging hadlang ba si Leo sa relasyon nina Rhajaf at Alex? Hanggang saan dadalhin si Leo ng lihim na pagtangi sa dalagang may nobyo na at walang iba kundi si Alex? Mananatili na lamang ba siyang kaibigan o ipagtatapat niya ang damdamin para sa dalaga?
Sina Rhajaf at Alex nga ba ang itinadhana para isa't-isa?
Makayanan at mapagtagumpayan nga kaya nila ang pagsubok na darating sa kanilang relasyon?