Isang bakasyon ang ipinagpasya ni Chloe upang makalayo sa abala ng buhay sa siyudad. Nang makapunta siya sa isang liblib na baryo sa kabundukan, hindi niya alam na ang tahimik na lugar na ito ay puno ng mga lihim at takot. Dito, matutuklasan niya ang isang misteryosong bahay sa dulo ng kalsada, isang lugar na nagtataglay ng kasaysayan ng mga kaluluwang hindi matahimik. Habang nagsimula siyang magtanong at mag-imbestiga, unti-unti niyang napansin ang mga kakaibang bagay-ang mga anino na hindi na mawala, ang mga mata ng mga nakaraan na nagmamasid sa kanya, at mga boses mula sa dilim na nagsasabing "Hindi ka makakatakas." Makakalabas kaya si Chloe mula sa bayan ng mga kaluluwang bitin sa paglalakbay? O siya na ang magiging isa sa mga lihim na hindi kailanman matutuklasan ng iba?All Rights Reserved