PROLOGUE
"Sino 'yan?" tukoy ko sa Babaeng nakakulong sa selda.
Nilingon nito ang seldang tinuro ko. "Shoplifter po Sir nahuli ng mga Staff kaya ayan kulungan ang bagsak niya sayang at ang ganda pa naman tapos malikot naman pala ang kamay."
Iiling-iling pa nitong sagot.
"Kinuha mo na ba ang data niyan?"
"Ayaw namang magsalita Sir sige lang ang kanta nakakaubos ng pasensya mahirap na at baka mabikwasan ko pa makasuhan pa ako."
Tinapik ko ito sa balikat. "Okay ako na lang ang magtatanong sa kanya sige na magmertenda ka na may dala akong Ginataang matamis luto ni Mama."
Biglang nagbago ang mood nito at agad na sumilay ang mapuputi niyang ipin ng marinig ang sinabi ko.
"The best ka talaga Sir Razon kaya maraming naduduling sayo eh kasi bukod sa gwapo na e galante pa!"
Kinuha ko ang hawak nitong check board kung saan nakaipit ang blangkong papel na paglalagyan ng impormasyon ng bagong salta. "Ako ng magtatanong sa isang 'yan."
"Okay Sir. Thank you naubos pasensya ko dyan kaya dapat habaan nyo yung inyo ha." sabay pang nagtaas-baba ang mga kilay nito.
Natawa ako sabay hampas sa balikat niya ng hawak kong check board saka ako humakbang palapit sa selda ng Babae kumakanta nga soya ng mahina kaya pinalo ko ng hawak kong ballpen ang bakal na rehas ng kulungan niya kaya naagaw ko ang pansin niya at agad niya akong nilingon infairness maganda nga siya at mukhang may lahi pa ata.
"Anong pangalan mo Miss?"
"Athena."
Tumango ako saka ko sinulat ang pangalan niya. "Apelyido meron ka?"
"Wala." Saka niya ako inirapan aba't bikwasan ko kaya itong Babaeng ito!