Psst... Apo! (Published under BOOKWARE: BALETE CHRONICLES)
3 parts Complete MatureWalang magawa si Kristina nang pagbakasyonin na muna siya ng kanyang tiyahin sa Mindanao kung saan nakatira ang kanyang mga magulang.
Nang makarating siya sa bahay nila ay agad naman siyang hiningan ng pabor na alagaan ang lolo at lola nito sa probinsya. Dahil sa wala naman siyang magagawa ay agad din naman niya itong sinunod.
Kailanman ay hindi niya pa nakikilala o nakita man lang sa litrato ang mukha ng mga ito. Ngunit pagdating niya sa kanilang liblib na tahanan, nasaksihan niya ang nakakatakot na mga pangyayari na nagtatanong sa kanya kung ano ang totoo at kung ano ang hindi.
Habang paunti-unti niyang natutuklasan ang katotohanan tungkol sa kasaysayan ng kanyang pamilya, dapat siyang magpasya kung tatakas na lang ba siya bago maging huli ang lahat o kahaharapin niya pa ang mga kahindik-hindik na mga rebelasyon na hindi niya makakaya?
Published: Bookware Publishing: Balete Chronicles