Sa probinsya ng San Agos, kung saan ang pitong espiritu ng kalikasan-Liwanag, Apoy, Tubig, Hangin, Lupa, Anino, at Puwang-ay nagtataglay ng sinaunang mahika, isang ordinaryong binatilyo ang napili para sa isang pambihirang misyon. Si Jael Lumina, mula sa tahimik na Lungsod ng Sinag-Araw, ay natagpuan ang sarili sa gitna ng isang lihim na daigdig ng mahika, propesiya, at tunggalian.
Isang gabi ng bagyo, natuklasan niya ang mahiwagang puno ng Balete, at sa sumunod na mga araw, natanggap niya ang paanyaya mula sa Arcanum Institute-isang paaralang nagtataguyod sa balanse ng kalikasan. Sa lugar na ito, ang mga mag-aaral ay nahahati sa pitong grupo batay sa kanilang kaugnayan sa mga elemento: Scintilla (Liwanag), Kilauea (Apoy), Avani (Tubig), Zephyr (Hangin), Terra Firma (Lupa), Umbra (Anino), at Celestia (Puwang).
Habang natutuklasan ni Jael ang kanyang koneksyon sa espiritu ng Liwanag, isang mas malalim na banta ang lumalapit. Ang mga engkanto ng dilim, pinamumunuan ng malupit na Datu Silakbo, ay nagbabalak sirain ang balanse ng pitong espiritu. Sa gitna ng mga pagsubok, seremonya, at tunggalian sa Arcanum Institute, kailangan ni Jael harapin ang kanyang tadhana bilang tagapagtanggol ng Liwanag.
Ngunit sapat ba ang lakas ng kanyang mahika, o kailangan niyang tuklasin ang mas malalim na kapangyarihan ng puso at isipan upang mailigtas ang San Agos?
Akala nila'y tapos na ang digmaan. Nang malipol ang huling kawal ni Hagorn, naniwala ang mga Sang'gre na ito na ang pagbagsak ng Hatoria. Ngunit sa anino ng kanilang tagumpay, may unti-unting nagbabalik - mas madilim, mas sinauna, at walang kapantay.
Muling lumitaw ang mga Ivtre. Mula sa ilalim ng Balaak, pinakawalan ni Hagorn ang mga nilalang na nilimot ng panahon - mga nilikhang hindi tinatablan ng kapangyarihan, at walang pagkakakilanlan sa awa. Isa-isa nilang nilalagas ang mga tagapagtanggol ng Encantadia, habang kinukuha ang bawat Brilyante sa kanilang daraanan.
Walang sandata ang sapat. Walang Sang'gre ang makakatapat. At sa gitna ng desperasyon, isang desisyon ang ginawa ng Hara ng Lireo, si Amihan: buhay sa buhay. Ivtre sa Ivtre.
Handa na siyang isakripisyo ang sarili - ngunit may isang lihim na hindi pa alam ng kahit sino.
Habang abala ang lahat sa digmaan, si Cassiopea ay naglaho. Hindi upang tumakas, kundi upang sunduin ang isang nilalang na matagal na niyang inililihim mula sa buong mundo...
Si Adhira.
lumaki sa gitna ng karaniwang buhay - ngunit sa kanyang dugo ay dumadaloy ang kapangyarihang hindi kayang ipaliwanag ng alinmang Brilyante.
Dahil si Adhira ang anak ni Cassiopea... at ni Bathalumang Emre. Isang nilalang na kalahating Diwata, kalahating Diyos. Nakalimutang pamana ng liwanag. At sa kanyang pagbabalik, magbabago ang kapalaran ng Encantadia.
Kung pipiliin niyang manindigan...
O kung lamunin siya ng kanyang sariling kapangyarihan.