Love Conquers All - Jinky Jamolin
10 parts Complete MatureWorkohalic si Ethel, isa siyang artist-illustrator sa isang sikat na publikasyon, kaya ganoon na lang ang kantiyaw ng mga kaibigan niya dahil dry at boring daw ang kanyang love life. Pinagtatawanan ng mga ito ang pagiging ilusyunada niya sa mga nonexistent gigolos na idino-drawing niya sa mga pabalat ng romance pocketbooks.
Ang kaibigan niyang si Abby ang gumawa ng paraan upang makilala niya ang isang makisig na lalaki, si Gordon.
Nang araw na makita niya itong sakay ng kalabaw, in cowboy attire, tunay nga naman na kumuribdib ang puso nya.
Kaya naman kahit alam na niyang nakatakda nang ikasal ang guwapong binata, hindi na siya napigilan ng kanyang mga kaibigan.
Gusto niyang makipagsapalaran lalo pa't dama
niyang mahal din siya nito...