Bata pa lamang si Helena ay hinubog na siya ng kahirapan. Sa murang edad ay namulat na siya kung paano tratuhin ng lipunan ang mga kababaihan at ang pagpapahirap ng mga may kapangyarihan at nakakataas sa katulad nila na maralita. Sa kaniyang angking talino at kakayahan ay hinimok siya na umanib sa isang lihim na samahan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Ang kaniyang nagaalab na hangarin ang siyang naglapit sa kaniya upang ipagtanggol ang kanilang karapatan at kalayaan laban sa kaharian ng Espanya. Kaya upang maitago ang kaniyang pagkakakilanlan ay napilitan siyang lumisan at magtunggo sa Cavite upang mamasukan sa Pamilya Santiago. Sa kaniyang determinasyon sa pagkamit sa kalayaan ay walang puwang ang makamundong pag-ibig para sa kaniya. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana ng makilala niya ang anak ni Don Rodolfo Santiago na si Señorito Javier. Ang ginoo na nagbigay sa kaniya ng pag-asa ngunit ang ginoo na siya rin pala na magiging dahilan ng pagbagsak ng layunin niya. Makakaahon pa kaya ng tuluyan si Helena sa pagmamahal ng Señorito kapag nalaman niya ang pakay nito? Mabibigyang buhay pa kaya ang pag-asa niyang magawa ang kanyang layunin kaya niya pinasok ang sitwasyong kanya ngayo'y hinaharap?