Minsan, sa buhay, akala natin masaya na tayo.. Na wala na tayong hihilingin pa. Akala natin kahit anong mangyari, magiging masaya pa rin tayo.
Pero paano kung may dunating na isang tao? Akala mo, wala lang sya.. Another person you just met.
Pero paano kung di mo namamalayan, may impact na pala sya sa'yo?
Paano kung simula nung nagkakilala kayo, nagbago na pala lahat nang di mo namamalayan?
Kaya mo pa kayang mabuhay tulad ng dati?
Kaya mo pa bang mabuhay nang normal?
At ang pinakatanong dito..
Kaya mo pa kayang mabuhay nang wala sya?
--
This is a story of a girl named Mimi. An ordinary high school girl studying. Maganda at masayahing tao si Mimi. Pero gayunpaman, ang kanyang buhay na akala nya'y sapat na, magbabago sa pagdating ng isang di inaasahang lalaki na nagngangalang Kyle.