Archie Lourent Bauer Cullen, isang lalaking lahat ata ng kamalasan sa buhay ay sinalo. Isang hardworking person, mabait, matalino, magandang lalaki, maganda ang katawan, mapagmahal at higit sa lahat malas sa maraming bagay. Hindi naniniwala sa forever or true love. Dahil sa mga naranasan sa past relationships, kung hindi niloko, ginamit naman para sa pera. Wala nang seryoso sa panahon ngayon, lahat nagloloko. Iyan itinatatak at nakatatak na sa kaniyang isip. Laro laro na lamang ang lahat, wala nang totoo. Hanggang sa makilala niya si Ashton Maverick Jasper, isang model at businessman, seryosong tao, cold hearted, masungit, may trust issue, katulad niya ay hindi rin naniniwala sa pag-ibig, at parati ring naka all black akala mo ay araw araw may pinaluluksaan. Sa unang tingin niya sa lalaki ay parang tumigil ang mundo sa pag ikot dahil sa sobrang gwapo nito. Magkakasundo kaya sila? Magagawa kaya nilang maniwala ulit sa pag-ibig? Magiging daan kaya para sa isang bagong love story ang pagtatagpo ng kanilang mga landas? O isa na naman itong lesson learned? @All Rights Reserved November 29, 2006 5:10 pm